nakakalungkot ang pinsalang dinulot ng bagyong ondoy sa ating bansa. dumadagdag sa sakit ng pakiramdam ko sa tuwing makakapanood ako sa television ng mga taong naapektuhan nito. hanggang ngayon marami paring lugar ang apektado at hidi pa humuhupa ang tubig. sobra akong nahahabag bilang ina pag may nakikita akong mga batang namatay dahil sa inanod sila ng baha. pati yung mga batang nasa evacuation center na nagkakasakit na ngayon. sobra sobra din ang pasasalamat ko sa panginoon dahil kahit paano maswerte narin tayong mga hindi naapektuhan ng bagyo. hindi yata kakayanin ng puso ko na makita ang anak ko sa ganung sitwasyon. ang nakakalungkot nga lang lalo e alam natin na may parating na naman na bagyo. nakakalugkot talagang isipin na hindi pa tayo nakakaahon sa bagyong ondoy pero eto may paparating na naman na bagyo. ipanalangin na lang natin na sana magbago ang takbo ng hangin at hindi na siya tumuloy sa bansa natin. maramim ding salamat sa mga may mabubuting puso na walang sawang tumutulong sa ating mga kababayan. bow ako sa inyo. at sa mga tao namang hindi na nga nakakatulong e nang-aagrabyado pa ng kapwa.. matakot naman kayo sa karma. wala man akong pinansyal na maitutulong.. kasama nyo naman ako sa panalangin.
Miyerkules, Setyembre 30, 2009
Lunes, Setyembre 21, 2009
pagmamahal at sakripisyo ng aking INA
si nanay Flor kasama ang aking
butihing ina.. NANAY ELENA
butihing ina.. NANAY ELENA
nasa gitna ako ng aking trabaho ng bigla naalala ko ang aking nanay. tumakbo sa gunita ko ang lahat ng ala-ala nya. lahat naman siguro ng anak, ipagmamalaki at sasabihing maswerte siya at may kinalakihan siyang ina. pwes.. ganun ko din ipagmamalaki ang nanay ko. kung gugunitain ko ang kamusmusan ko, isang beses pa lang ako nakatikim ng palo sa kanya. isang palo na alam ko naman na talagang kasalanan ko. Si nanay ang maituturing naming magkakapatid na kakampi namin sa lahat ng bagay. kahit sandali kasi yata hindi naging malapit ang loob namin sa aming ama. marahil hindi naman namin madalas siya kasama dahil sa pagtatrabaho niya. madalas kaming nagtatalo noon ni nanay. lalo na sa usaping pera. maraming bagay na taliwas kami ng opinyon at marami siyang katangian na hindi ko noon maintindihan. nakita ko ang lamang ang lahat ng kasagutan sa tanong ko ng dumating ang panahong naging ina na rin ako. mahirap ang sakripisyo ng isang ina. kaya siguro madalas na mainit ang ulo nya, isipin mo naman na lima kami na inaalagaan niya. dalawang taon lang ang patlang namin magkakapatid.. sakit kaya sa ulo nyon lalo na pag nag-aaway away kami para lamang sa mga simpleng bagay gaya ng gusto ng isa yung laruan na gusto din ng isa. haaay.. kakaawa pala si nanay. ako nga isa pa lang si kyle pero pag sinumpong na ng kakulitan nya, nakakakulot na ng buhok. idagdag pa yung mga gastos sa bahay na pilit niyang pinagkakasya mula sa malit lang na kita ni papa. sobra-sobra kong mahal si nanay pero higit ngayon kesa nuon. hindi pa pala sapat yung lahat ng tulong at binigay ko sa kanya para matumbasan ang pagiging mabuting ina niya sa amin. dahil sa palagay ko, wala makakatumbas ng lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa amin. ngayon nga na lahat kaming mga magkakapatid ay may mga sarili naring pamilya.. hindi parin natapos ang tungkulin niya bilang ina. ngayon naman bilang lola ng kanyang mga apo. kung hindi dahil sa kanya, pano ako makakapagtrabaho para ipangdagdag sa mga pangangailangan ng pamilya ko?! pano ako magiging isang ina kung hindi ko nakita sa kanya kung pano maging isang mabuting ina. nay, utang ko sayo lahat lahat ng kung ano ako ngayon. sana kahit paano napapahalagahan mo ang mga munti kong paraan ng pagtulong sayo. mahal kita.. sobra sobra. at hindi ko kakayanin na mawala ka agad sa amin katulad ng maagang pagkawala ni papa. alam ko minsan nalulungkot ka ksi wala na siya. wala ka ng karamay sa mundo. pero andito kami ng mga anak mo.. ng mga apo mo. hahayaan ni Lord na manatili kapa sa piling namin dahil alam niyang kailangan ka namin. salamat sa lahat...
Labels:
AKING INA,
INA,
NANAY,
NANAY ELENA
Biyernes, Setyembre 18, 2009
our love story...
minsan din naging roller coaster ang lovelife ko. maraming failed relationships din and naranasan ko. ilang ulit ko narin naranasan ang masaktan, umiyak at umasa. pero sa kabila ng lahat ng sakit, alam ko that somewhere along my way, masasalubong ko din si mr. right. dito nga sa cybersoft dumating ang lalaking higit pa sa hinihiling ko. katuparan ng lahat ng pangarap ko at dasal ko. Sino ba ang mag-aakala na may tao pa lang handang tanggapin ang lahat-lahat sa akin. Ang pinakamasayang bahagi ng sandali ay ang pagdating ni kyle sa buhay namin. March 2006 ng ma-confirmed kong 2 months pregnant ako kay kyle. May 8, 2006 ng magpakasal kami. Dito nagsimula ang masasayang sandali pa ng buhay namin. mahigit tatlong taon na kaming magkasama ngayon. kung may hihilingin pa man ako, siguro yung panatilihing healthy ang pamilya ko at tuluyang mapuno ng ligaya ang tahanan namin. wala akong maipapangako sayo romel ko.. pero gagawin ko ang lahat para makasama ka hanggang sa huling yugto ng buhay ko.
Labels:
couple,
family,
love,
love story
Miyerkules, Setyembre 9, 2009
kyle's 2nd birthday..
october 28, 2008
again, we are excited again. we planned to go to manila ocean park to celebrate his 2nd birthday. alam namin mag-eenjoy sya dun kasi he loves fish. aun.. few days before his birthday, ayan na naman si asthma. lintek na asthma yan, panira ng diskarte. but the sad thing is.. masakit na nakikita syang nagsa-suffer ng ganun. on his birthday, medyo okei na sya with a little cough na lang. but we have decided to cancel the ocean park adventure at magluto na lang ng makakain sa bahay. well, thank god kasi nag-enjoy naman sya. the ocean park adventure?! well maybe there will always be next time.
kyle's 1st birthday
october 28, 2007
excited kaming lahat to celebrate kyle's birthday. everything's settled.. the reception will be at the jollibee novamall. even his superman custome is ready given by his ninong eugene and ninang sarah. but the sad news is.. few hours before his birthday, eto na si asthma. umatake ba naman. kakalungkot kasi habang lahat ng bata nagsasaya, sya nahihirapan huminga. all we ever wanted ay matapos na agad yung party. hindi din naman pwedeng iwan sa ere ung mga bisita. so sad.. hindi nya naenjoy ung party. fave pa naman nya si jollibee. :(
after the party, bigla pag-uwi sa bahay ok na ulit sya. nakangiti na while opening his gifts. hay nakakainis talaga. sana mawala na ng tuluyan ung asthma nya.
Martes, Setyembre 8, 2009
I made my layout with the Myspace Background Maker. Get myspace layouts, graphics, and flash toys at pYzam.
Linggo, Setyembre 6, 2009
holiday daw ngayon...
nakakalito talaga tong cyber.. ang hilig gumawa ng sariling holiday. today was declared as special non-working holiday bilang pakikipagsimpatiya sa mga Iglesia ni Kristo dahil ngayon ang libing ni manalo. ang nakakatawa.. ililipat daw ito ng sabado. ganito naman lagi e.. lahat ng holiday nililipat ng sabado. para tuloy kaming mga tanga dahil habang ang lahat e masarap na natutulog sa bahay.. eto kami nakikipag-ratratan sa harap ng computer.
hay naku buhay cyber.. sarap pa naman matulog kanina kasi ang lakas ng ulan.. :)
miss ko na baby kyle ko. :)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)