si nanay Flor kasama ang aking
butihing ina.. NANAY ELENA
butihing ina.. NANAY ELENA
nasa gitna ako ng aking trabaho ng bigla naalala ko ang aking nanay. tumakbo sa gunita ko ang lahat ng ala-ala nya. lahat naman siguro ng anak, ipagmamalaki at sasabihing maswerte siya at may kinalakihan siyang ina. pwes.. ganun ko din ipagmamalaki ang nanay ko. kung gugunitain ko ang kamusmusan ko, isang beses pa lang ako nakatikim ng palo sa kanya. isang palo na alam ko naman na talagang kasalanan ko. Si nanay ang maituturing naming magkakapatid na kakampi namin sa lahat ng bagay. kahit sandali kasi yata hindi naging malapit ang loob namin sa aming ama. marahil hindi naman namin madalas siya kasama dahil sa pagtatrabaho niya. madalas kaming nagtatalo noon ni nanay. lalo na sa usaping pera. maraming bagay na taliwas kami ng opinyon at marami siyang katangian na hindi ko noon maintindihan. nakita ko ang lamang ang lahat ng kasagutan sa tanong ko ng dumating ang panahong naging ina na rin ako. mahirap ang sakripisyo ng isang ina. kaya siguro madalas na mainit ang ulo nya, isipin mo naman na lima kami na inaalagaan niya. dalawang taon lang ang patlang namin magkakapatid.. sakit kaya sa ulo nyon lalo na pag nag-aaway away kami para lamang sa mga simpleng bagay gaya ng gusto ng isa yung laruan na gusto din ng isa. haaay.. kakaawa pala si nanay. ako nga isa pa lang si kyle pero pag sinumpong na ng kakulitan nya, nakakakulot na ng buhok. idagdag pa yung mga gastos sa bahay na pilit niyang pinagkakasya mula sa malit lang na kita ni papa. sobra-sobra kong mahal si nanay pero higit ngayon kesa nuon. hindi pa pala sapat yung lahat ng tulong at binigay ko sa kanya para matumbasan ang pagiging mabuting ina niya sa amin. dahil sa palagay ko, wala makakatumbas ng lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa amin. ngayon nga na lahat kaming mga magkakapatid ay may mga sarili naring pamilya.. hindi parin natapos ang tungkulin niya bilang ina. ngayon naman bilang lola ng kanyang mga apo. kung hindi dahil sa kanya, pano ako makakapagtrabaho para ipangdagdag sa mga pangangailangan ng pamilya ko?! pano ako magiging isang ina kung hindi ko nakita sa kanya kung pano maging isang mabuting ina. nay, utang ko sayo lahat lahat ng kung ano ako ngayon. sana kahit paano napapahalagahan mo ang mga munti kong paraan ng pagtulong sayo. mahal kita.. sobra sobra. at hindi ko kakayanin na mawala ka agad sa amin katulad ng maagang pagkawala ni papa. alam ko minsan nalulungkot ka ksi wala na siya. wala ka ng karamay sa mundo. pero andito kami ng mga anak mo.. ng mga apo mo. hahayaan ni Lord na manatili kapa sa piling namin dahil alam niyang kailangan ka namin. salamat sa lahat...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento