malapit na ang 3rd birthday ni kyle.. malapit na rin ang 3 years death anniversary ni papa. parang kelan lang pero tatlong taon na pala ang nakaraan. Tatlong taon ng wala kaming matatawag na isang ama. Nalulungkot pa rin ako tuwing maiisip kita pa, nanghihinayang parin ako na bigla ka nalang nawala. Hindi mo man lang nakasama si kyle at iba mo pang mga apo. Alam ko magiging super proud ka kung nandito ka lang sana. Kung gaano ako kasaya sa buhay ko ngayon, alam ko higit pa don ang kasiyahang nararamdaman mo sana sa piling ng mga apo mo. nakakalungkot din isipin na wala ng kasama si nanay. oo naman at nandito kami at hindi namin siya pinapabayaan. pero iba parin siguro kung nandito ka at magkasama kayong tatanda. namimiss na kita pa.. madalas naiisip ko parin na may malaki akong pagkukulang kung bakit wala kana ngayon. kung hindi pa kaya ako nag-asawa, buhay kapa kaya?! totoo nga na kung kelan wala na sayo ang isang tao, dun mo lang makikita ang halaga nito sa buhay mo. Pa, pinilit ko naman maging isang mabuting anak diba?! May naging pagkukulang man ako pero ginawa ko naman ang lahat ng paraan para maging proud kang ama sakin diba?! Kahit kelan naman hindi kita natiis.. simula pagkabata ko, naging isang mabuting tao ako na alam kong ikakasiya ninyo. hindi man ako naging ganun kalapit saiyo at hindi ko man napakita nung nabubuhay ka kung gaanuo kita kamahal,, alam ng Diyos nasa isang sulok ng utak ko, mananatili ang masasayang alaala na kasama kita. natatandaan ko pa tuwing birthday ko, mag-sisimbang gabi tayong dalawa tapos pag pauwi na, ipapasan mo ako sa likod mo. 'Pag all souls day, ako yung kasama mo na dadalaw sa lola mo sa sementeryo. Tapos may nakilala akong isang magandang dalaga na tinulungan akong gumawa ng laruan mula sa natunaw na kandila. Pag-uwi natin sa bahay, sabi mo sa akin white lady yun at takot na takot ako. Nung lumaki na ako, naging malayo na ang loob ko sayo. Siguro kasi, dumating na ang mga kapatid ko at naging nagkaroon kana ng bagong apple of your eyes. Pero kasi naging mahigpit ka ring papa.. na isang magandang bagay naman para sa akin dahil nabalot ako ng takot at pinilit kong tahakin ang daanang matuwid. Nagbalik lang masayang alaala nung nag-asawa na ako at humiwalay sa inyo. Lagi ko kayo na-mimiss at gusto kong every week kasama ko kayo. Naramdaman ko ang sobra-sobra mong concern nung pinagbubuntis ko na si kyle. Super excited ka na magkaroon ulit ng panibagong apo kasunod ni shanna. Isang araw bago ko ipanganak si kyle, na-confined ka sa ospital dahil sa stroke na nangyari sayo. mahigit dalawang linggo ng makauwi kana ng bahay at nakita si kyle. Pero wala ng lakas ang mga bisig mo para makarga ito. Ni hindi mo nga makabisado ang pangalan ni kyle. Marami ng nagbago simula noon. Hindi na ikaw ang masayahing papa na nakilala ko. Naging bugnutin ka at di matanggap ang nangyari sayo. Isang linggo lang ang lumipas, naisugod kana naman sa ospital. second stroke mo at sabi ng doctor commatose kana. nakakalungkot kasi hindi man lang kita nakita hanggang sa bawian kana nga ng buhay. Pinaka-malungkot na pangyayari yun sa buhay namin. Mahirap at sobrang sakit pala ang mawalan ng haligi ng tahanan. MAgtatatlong taon na ang nakakalipas.. at eto, maayos naman ang buhay naming magkakapatid sa piling ni nanay at mga sariling pamilya. Pa, lahat ng anak mo may apo ka na. Maswerte si nanay kasi kasama nya lahat. Pero alam kong sa kabila ng lahat ng pananabik at panghihinayang namin, maswerte ka rin at kapiling mo na si Lord. Lagi kang mananatili sa puso namin at alam namin ikaw ang angel na patuloy na gagabay at mag-aalaga sa amin. Magkikita at magkakasama-sama din tayo Pa.. in Gods time. I miss you and i love you.
Biyernes, Oktubre 23, 2009
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento